Pormal ng sinimulan ang dalawang araw na National Decongestion Summit ng pamahalaan na pinangungunahan ng Justice Sector Coordinating Council (JSCC).
Ang JSCC ay binubuo ng Supreme Court, Department of Justice (DOJ), at Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ito ang kaunahang Jail Congestion Summit sa bansa na target na resolbahin ang patuloy na pagsikip ng mga piitan ng Bureau of Corrections (BuCor) at Bureau of Jail Management and Penelogy (BJMP).
Ilan sa mga nakikitang solusyon ang pagbawas ng admission ng mga inmate, pataasin ang bilang ng mga napapalaya, pagpapalawak ng pasilidad ng BuCor.
Kabilang sa mga dumalo sa 2-araw na aktibidad at nagbigay ng mga pambungad na mensahe ay sina Atty. Laura C. H. del Rosario, Deputy Clerk of Court and Judicial Reforma, at kinatawan ni DILG Secretary Abalos na si, Hon. Juan Victor R. Llamas, Undersecretary for External, Legal and Legislative Affairs, DILG, DOJ, Representatives, Spokesperson Atty Mico Clavano,. Mr. Daniele Marchesi, Country Manager, United Nations Office on Drugs and Crime Programme Office in the Philippines.
His Excellency. HK Yu, PSM, Ambassador of Australia to the Philippines, His Excellency. Luc Véron, Ambassador and Head of the European Union Delegation at welcome remarks mula naman kay Supreme Court Chief Justice Hon. Alexander G. Gesmundo, at iba pang nga committee ng JSCC. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News