Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Public-Private Partnership Code of the Philippines at Internet Transactions Act of 2023.
Habang naka-isolate sa bahay Pangulo sa Malakanyang bunga ng COVID-19, pinirmahan ni Marcos ang Republic Act no. 11966 na magtatatag ng mga alituntunin para sa mas malakas na kolaborasyon ng pampubliko at pribadong sektor sa infrastructure systems at projects.
Isinabatas din ang Republic Act no. 11967 na magbibigay ng mekanismo sa publiko tungo sa pagsusulong ng digital economy.
Po-protektahan nito ang online consumers at merchants, sa pagtitiyak ng patas na business practices sa e-commerce.
Itatatag din ng batas ang Philippine E-Commerce Roadmap at E-Commerce Bureau sa ilalim ng Dep’t of Trade and Industry. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News