Itinalaga ng Liberal Party (LP) si dating Senador Leila de Lima bilang opisyal na tagapagsalita ng partido.
Ayon kay LP President at Albay Cong. Edcel Lagman, napili si de Lima kahapon sa ginanap na party management committee meeting.
Hindi ito ang unang pagkakataon na binigyan ng tungkulin si de Lima dahil dati na rin itong na-appoint bilang Vice President for Policy, Platform ang Advocacy.
Ayon kay Lagman, nais ng dating senador na ipagpatuloy ang aktibong papel sa pagsusulong ng mga adbokasiya ng partido lalo na sa pagsusulong ng “good governance, social justice, at liberalism.
Ayaw pa umanong sabihin ni de Lima ang kanyang political plan para sa hinaharap habang nakabinbin pa ang kinakaharap na kaso at planong konsultasyon sa pamilya at kaalyado. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News