dzme1530.ph

20-month low 4.1% inflation rate, ibinunga ng mga napapanahong stratehiya para sa stable na suplay ng pagkain

Ipinagmalaki ng gobyerno ang naitalang 4.1% na inflation rate para sa buwan ng Nobyembre, na itong pinaka-mababa sa nagdaang 20-buwan.

Ayon sa National Economic and Development Authority, ang bumabang inflation ay ibinunga ng napapanahong pagpapatupad ng mga istratehiya sa pagtitiyak ng stable na suplay ng pagkain, sa harap ng mga pagsubok sa loob at labas ng bansa.

Ang pagbaba ng food inflation ay ito umanong pinaka-nagtulak sa pagbagal ng kabuuang inflation noong nakaraang buwan.

Ilan sa mga programang tinukoy na nakatulong ibsan ang epekto ng inflation ay ang pamamahagi ng fuel subsidies sa PUV drivers, food stamp program, at pagpapalakas ng local food production sa pamamagitan ng pag-iinvest sa irigasyon, flood control, supply chain logistics, at pag-adapt sa climate change.

Sa kabila nito, iginiit ni NEDA Sec. Arsenio Balisacan na kailangang patuloy na bantayan ang inflation sa harap ng pressures o epekto ng geopolitical tensions at extreme weather events. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author