Nakiisa ang Malakanyang sa paggunita ng World Aids Day kahapon, Dec 1.
Ayon sa Presidential Communications Office, ito ay bahagi ng pag-suporta sa pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa HIV / aids.
Kaugnay dito, tiniyak ng palasyo na sa pangunguna ng Dep’t of Health ay patuloy na aaksyon ang gobyerno kabilang na ang paglulunsad sa “Let Communities Lead: Sama-sama Tayo sa laban kontra HIV” Campaign.
Kaakibat din ito ang pagsasagawa ng National HIV Treatment Hub Conference na layuning mapababa ang kaso ng HIV/Aids sa bansa at matulungan ang mga apektado ng sakit. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News