dzme1530.ph

Tanggapan ni Pampanga Rep. Gloria Arroyo, binalaan ang publiko kaugnay sa naglipang pekeng advertisement

Nagbabala sa publiko si Pampanga Congw. Gloria Macapagal Arroyo kaugnay sa naglipa ngayon sa social media na larawan ng dating Pangulo at iniendorso ang “Survay Simulator at Joint Savings.”

Paglilinaw ng tangapan ni GMA, hindi kunektado at lalong hindi iniendorso ng dating pangulo ang ano mang financial websites at advertisements.

Ito aniya ay malinaw na scam dahil wala itong pahintulot sa kinatawan ng Pampanga.

Maging si Bicol Saro Cong. Brian Yamsuan ay nabahala na rin sa paglipana ng cyber scam.

Kaya naman umapila ito sa Senado na pagtibayin na rin ang Anti-Financial Account Scamming Act (AFAMA), na magpapataw ng mabigat na parusa sa mga online scammer.

Salig sa House Bill 7393 ni Yansuan, ang large scale online scam ay mahaharap sa habang buhay na pagkakakulong, kasabay ng multa mula P1-M hanggang P5-M. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News

About The Author