dzme1530.ph

Panukalang magdedeklara ng maritime zone ng bansa, maipapasa sa pagpasok ng 2024

Tiwala si Sen. Francis Tolentino na maaaprubahan sa Senado ang proposed Maritime Zones Act sa pagpasok ng bagong taon.

Sinabi ni Tolentino na nakakuha na siya ng sapat na suporta mula sa kanyang mga kasamahan upang maaprubahan ang kanyang panukala.

Binigyang-diin ng chairman ng Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zones na sa sandaling maisabatas ang panukala ay maipapakita ng Pilipinas ang mapa at boundary natin  na sa kasalukuyan ay hindi pa maliwanag dahil sa kawalan ng batas.

Kapag naging batas anya ito ay kikilalanin ito ng mga karatig-bansa at magsisilbing dagdag-sandata sa pakikipag-usap sa iba’t ibang bansa kaugnay sa ating boundary.

Idinagdag pa ng senador na kapag naisabatas na ang Maritime Zones Act ay isusumite ito sa United Nations, United Nations Convention on the Law of the Sea Secretariat, at sa International Maritime Organization. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author