dzme1530.ph

Binance, iba-ban sa Pilipinas

Iba-block ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang cryptocurrency trading leader na Binance sa loob ng tatlong buwan.

Ito’y makaraang madiskubre na nagbebenta ang Binance ng securities sa bansa nang walang mga kaukulang lisensya.

Sinabi ng SEC na nakikipag-ugnayan sila sa National Telecommunications Commission at Department of Information and Communications Technology para pagbawalan ang mga user na pumasok sa website at sa applications ng kumpanya habang nasa loob ng bansa.

Inihayag ng SEC na ang removal ng access sa Pilipinas ay inaasahang magiging epektibo sa susunod na tatlong buwan pagkatapos ilabas ang advisory, upang mabigyan ang Filipino investors na mayroong holdings sa Binance na isara ang kanilang positions at i-pullout ang kanilang investments. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author