dzme1530.ph

Panukala para magkaroon ng sariling manufacturer ng armas at iba pang equipment ang bansa, isinusulong sa Senado

Tiniyak ni Senate President Juan Miguel Zubiri na maipapasa bago ang session break ng Kongreso sa December 15 ang proposed Self-Reliant Defense Posture Revitalization Act.

Ang panukala ay nagsusulong ng pagbuo ng sariling defense industry ng bansa upang makagawa na ng sariling mga armas para sa armed services.

Sa interpelasyon sa plenaryo, binigyang-diin ni Zubiri na ang mga bansang tulad ng Estados Unidos ay may sariling arm manufacturers para sa kanilang mga pangangailangan.

Sinabi ni Zubiri na nais nilang mangyari rin ito sa Pilipinas kung saan magtatayo ng shops sa bansa ang mga manufacturer para magsuplay sa ating armed forces.

Iginiit ng senate leader na sa sandaling maipasa ang panukala ay mabibigyang prayoridad ang locally-made equipment.

Sa ganitong paraan ay maraming Pinoy laborers ang mabibigyan ng trabaho.

Sa kasalukuyan anya ay nakikipagnegosasyon na anya ang bansa sa Australian ship company na may shipyard sa Balamban, Cebu.

Sinabi ni Zubiri na kukuha ang ship company ng 3,000 ship builders’ para sa tatlong bangka.

Tiniyak pa ng senador na excited na ang ship company sa pakikipagnegosasyon sa gobyerno. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author