dzme1530.ph

Price monitoring, dapat higpitan ngayong nalalapit ang pasko

Iginiit ni Sen. Mark Villar, Chairman ng Senate Committee on Trade, Commerce, and Entrepreneurship na dapat higpitan pa ng gobyerno ang price monitoring sa mga produkto habang papalapit ang Araw ng Pasko.

Sinabi ni Villar na dapat matiyak na magiging masaya ang Pasko ng ating mga kapwa Pilipino.

Dahil dito, sinabi ng senador na patuloy nitong tututukan ang mga presyo ng bilihin at titiyaking sumusunod ang mga sellers sa price guide ng Department of Trade and Industry.

Binigyang-diin ng senador ang kahalagahan ng regular price monitoring activities para sa proteksyon ng mga consumers bilang pagtugon sa Price Act.

Tinitiyak ng Price Act ang availability ng mga pangunahing produkto sa rasonableng presyo sa lahat ng oras kasabay ng pagtiyak na may kikitain ang mga negosyante.

Ipinaalala ni Villar na bahagi ng pagdiriwang ng Kapaskuhan ng mga Pilipino ang masayang salu-salo kaya’t dapat matiyak ang tamang presyo sa mga noche buena products.

Ang price monitoring activity anya isinasagawa sa tulong ng DTI upang mabigyang proteksyon ang mga consumers.  —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author