dzme1530.ph

Joint patrol ng Pilipinas at Australia sa WPS, naging matagumpay sa kabila ng pagbuntot ng Chinese Jet Fighters sa isang PH Aircraft

Naging matagumpay ang joint maritime patrol ng Pilipinas at Australia sa West Philippine Sea, sa kabila ng pagbuntot ng Chinese Jet Fighters sa isang Philippine Aircraft.

Ayon kay AFP chief-of-staff General Romeo Brawner Jr., walang naitalang anumang untoward incident sa pagwawakas ng tatlong araw na Maritime Cooperative Activity.

Una nang kinumpirma ni Brawner na 15 minutong binuntutan at inikutan ng dalawang chinese jet fighters ang isang attack aircraft ng Philippine Air Force, ngunit natapos pa rin umano nito ang misyon sa gitna ng joint exercise.

Sinabi rin ng AFP Chief na wala nang bago sa ginawang pagbuntot ng Chinese aircrafts, dahil dati na umano itong nangyari kung saan nasangkot ang aircrafts ng America at Japan.

Nanindigan din si Brawner sa karapatan ng Pilipinas na makapag-patrolya sa sarili nitong karagatan at Exclusive Economic Zone, at ngayon ay isinagawa ito kasama ang mga kaalyadong bansa. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author