dzme1530.ph

Mga bagahe at iba pang kagamitan na naiwan sa NAIA, hindi ibinebenta sa online

Binalaan ng Manila International Airport Authority ang publiko laban sa isang social media page na nagbebenta ng mga naiwang gamit sa NAIA.

Tinawag ng MIAA ang online promo na scam.

Makikita sa page na sinasabing pag-aari umano ng NAIA ang Lost-and-Found items na ibinebenta online.

Mayroon ding raffle draw para sa chance na manalo ng bagahe sa halagang P500 lamang.

Gayunman, tatanungin ng page ang mga interesadong kliyente ang tungkol sa kanilang bank details.

Paalala ni MIAA Spokesperson Connie Bungag, huwag magpapa-scam at magdalawang-isip kapag hiningi na ang iyong bank account.

Paliwanag ng miaa, ang Lost and Found items ay dinadala sa storage facilities sa NAIA Terminal 1 pagkalipas ng dalawang araw at kapag hindi ito kinuha matapos ang anim na buwan ay isusubasta nila ito pero hindi sa pamamagitan ng online. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author