dzme1530.ph

Pinoy seafarers at iba pang sakay ng chemical tanker na hinayjack sa Gulf of Aden, ligtas na, ayon sa DMW

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) ang ulat na ligtas na ang hindi bababa sa dalawang Pinoy at iba pang sakay ng chemical tanker na hinayjack sa Gulf of Aden makaraang tugunan ng US Navy Warship ang distress call ng barko.

Nakikipag-ugnayan na ang DMW sa Manning at Shipping Agencies ng MV Central Park para magbigay ng full report sa insidente, at maging sa pamilya ng mga Pilipinong tripulante.

Pinasalamatan din ni DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac ang Department of Foreign Affairs sa pagtiyak sa kaligtasan ng Filipino seafarers.

Sa ngayon aniya ay tina-track pa nila ang eksaktong lokasyon ng barko at umaasang mare-repatriate ang mga tripulanteng Pinoy sa lalong madaling panahon. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author