dzme1530.ph

OVP, ilalatag sa DOJ ang ligal na basehan sa pagtutol sa pagpasok ng mga taga-ICC sa Pilipinas

Makikipag-ugnayan ang Office of the Vice President sa Department of Justice kaugnay ng kanilang posisyon sa usapin ng posibleng pagbabalik ng Pilipinas bilang miyembro ng International Criminal Court.

Sinabi ni Vice President Sara Duterte na ilalatag nila ang mga ligal na basehan sa DOJ para bigyang-diin ang kanilang pagtutol sa panawagang payagang pumasok ang mga taga-ICC sa Pilipinas.

Inihayag ng bise presidente na bagaman dapat irespeto ang posisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang Chief architect ng foreign policy ay patuloy silang lalapit sa DOJ upang panindigan ang kanilang posisyon sa usapin.

Ilang mambabatas sa Kamara ang naghain ng mga resolusyon upang hilingin na hayaang pumasok sa bansa ang mga taga-ICC at imbestigahan ang madugong War on Drugs ng nakalipas na Rodrigo Duterte Administration. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author