dzme1530.ph

Himpapawid ng Taiwan, pinasadahan ng 21 fighter jets ng China

Ilang araw matapos aprubahan ng Estados Unidos ang $619-M na bentahan ng mga armas sa Taiwan, pinasadahan ng 21 jet fighters ng China ang kalangitang sakop ng Taiwan.

Ayon sa Defense Ministry ng Taiwan ang lumipad na mga eroplanong pandigma ng China sa himpapawid ng Taiwan ay kinabibilangan ng 17 Chengdu J-10 multirole fighters at 4 na Advanced Shenyang J-16 strike fighters ang lumipad sa southwestern corner ng kanilang isla.

Ang J-16 strike fighters ay sinasabing lumipad malapit sa Pratas Island na kontrolado ng Taiwan.

Liban dito, namataan din sa karagatang sakop ng taiwan ang walong aircraft at apat na Chinese Naval Vessels sa karagatan ng Taiwan.

Ito na ang pangalawang araw ng presensiya ng mga Chinese fighter jets sa lugar.

 

About The Author