Patuloy ang ugnayan ng Department of Foreign Affairs sa Israel at iba pang mga kaibigang bansa para matukoy ang kinaroroonan ni Noralyn Babadilla na nawawala kasunod ng pag-atake ng grupong Hamas sa Israel noong October 7.
Sinabi ni DFA Undersecretay Eduardo De Vega na tinanong nila tungkol dito ang OFW na si Jimmy Pacheco na dinukot at binihag ng Hamas nang mangyari ang pag-atake, at pinakawalan noong Biyernes.
Aniya, batay sa sagot ni Pacheco, wala itong alam kung mayroon pang OFW na binihag ng Hamas.
Naniniwala naman si De Vega na mayroong milagro at hinimok ang publiko na magdasal para sa pinakamalaking milagro na maaring mangyari para kay Babadilla. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera