dzme1530.ph

Mahigit 1,700 bata mula sa iba’t ibang bahay-ampunan nationwide, hinandugan ng regalo sa Malacañang

Bumisita sa Malacañang ang nasa 1,700 mga bata mula sa iba’t ibang shelters at orphan care centers sa bansa, para sa “Balik Sigla, Bigay Saya” Gift-Giving Program.

Pinangunahan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos ang pagsalubong at paghahandog ng mga regalo sa mga bata, kasabay ng maagang pagbati ng maligayang pasko.

Sa kanyang talumpati, inihayag ng Pangulo na nagiging mas masaya ang pasko kapag masaya ang mga bata.

Nagpasalamat din ito sa mga umaaruga sa mga bata na magiging kinabukasan ng bansa.

Ang “Balik Sigla, Bigay Saya” ay sabayang idinaos sa 300 satellite centers sa buong bansa, at kabuuang 17,000 bata ang hinandugan ng regalo.

Samantala, pinangunahan din ng Pangulo at ng unang ginang ang Christmas-tree Lighting Ceremony sa Malacañang Grounds noong weekend. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author