Tinawag na ispekulasyon ni House Speaker Martin Romualdez ang mga impormasyon ni Atty Harry Roque na binigyan niya ng go signal ang mga resolusyong inihain na may kaugnayan sa imbestigasyon ng International Criminal Court sa anti-drug war ng Duterte administration.
Sinabi ni Romualdez na nirerespeto niya ang mga pahayag ni Roque subalit iginiit na walang katotohanan ang mga ito.
Una nang sinabi ni Roque na may go signal ni Romualdez ang mga inihaing resolusyon sa Kamara para hikayatin ang gobyerno na makipagtulungan sa imbestigasyon ng ICC.
Itinanggi rin ni Romualdez na ispesyal ang pagtrato nila sa resolution dahil dumaan ito sa normal na proseso na kinakailangang basahin sa plenaryo at irefer sa kaukulang kumite.
Samantala, sinuportahan ni Senate President Juan Miguel Zubiri si Romualdez sa usapin sa pagsasabing nakapokus lamang ang senate leader sa kanyang trabaho. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News