dzme1530.ph

Pilipinas at Australia, magsasagawa ng joint patrols sa WPS

Magdadaos ang Pilipinas at Australia ng joint maritime patrols sa West Philippine Sea sa Nov 25 hanggang 27.

Sinabi ng Armed Forces of the Philippines na wala pa silang inilalabas na detalye kaugnay sa naval assets na ipakakalat para sa pagsasanay na sasaklaw sa karagatang bahagi ng palawan at aabot hanggang sa Ayungin Shoal.

Una nang tiniyak ni Australian Foreign Minister Penny Wong ang commitment ng bansa na magsagawa ng joint maritime exercises sa WPS kasama ang AFP.

Muli ring pinagtibay ni Wong ang pagnanais ng Australia na tulungan ang Pilipinas na palakasin ang maritime capabilities sa pamamagitan ng technical training, pagbabantay sa mga karagatan, at pagbibigay ng mga bagong kagamitan sa Philippine Coast Guard. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author