dzme1530.ph

Port congestion naranasan ng mga cargo truck sa pantalan ng Matnog, Sorsogon

Halos ilang araw na nakararanas ang nasa 300 mga cargo truck ng pagsisikip at mahabang pila, na umabot na sa Maharlika Highway, na nais makasakay at makatawid sa pantalan ng Matnog Port Sorsogon, sa Bicol kahapon.

Ang nasabing problema ay bunsod ng apektadong biyahe ng mga barko sa rutang Matnog, Sorsogon – Allen, Northern, Samar, dahil sa masungit na panahon na pinalakas na Amihan at ang tinatawag na Shear Line.

Wala namang Sea Travel Advisory na nagbabawal sa mga barko na maglayag na pinalabas ang Philippine Coast Guard (PCG) subalit karamihan sa mga kapitan ng barko ay minamabuti munang ipagpaliban ang kanilang biyahe kapag gabi dahil sa lubhang delikado gawa ng malalaking alon na halos kasing taas ng bahay o 2/3 meeters na sinabayan ng malakas na hangin.

Paalala ng Philippine Ports Authority (PPA) sa mga biyahero na may mga alternatibong ruta na pwedeng daanan papuntang Kabisayaan at Mindanao, ito ay ang mga sumusunod:

* Port of Pio Duran (Albay)

*Port of Castilla (Sorsogon)

*Port of Pilar (Sorsogon)

Ang nabanggit na mga pantalan ay may biyaheng papuntang Masbate na puwedeng tumawid pa Cebu. Mula Cebu may rutang maaring pagpilian papunta sa ibang lugar sa Visayas at patungong Mindanao.

Pinayuhan rin ng PPA ang mga apektadong mananakay na makipag-ugnayan sa mga concerned shipping lines para sa karagdagang detalye.  —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author