dzme1530.ph

Dahil sa masamang panahon MARINA nagbukas ng bagong ruta sa mga barko mula Sorsogon papuntang Visayas

Pansamantalang nagbukas ng bagong ruta ng barko mula Sorsogon patungong Visayas ang MARINA.

Bunsod ito ng epekto ng masamang panahon na nakaapekto sa operasyon ng pantalan ng Allen sa lalawigan ng Northern Samar.

Pinayagan munang makapaglayag ang mga barko mula Matnog patungong Calbayog City sa lalawigan ng Samar.

Kagabi, dumating ang unang barko na pinayagan ng MARINA na pansamantalang maglayag sa rutang Matnog-Manguino-o sa Calbayog City.

Layon ng hakbang ng MARINA na tiyakin ang tuloy tuloy na biyahe ng mga tao at kargamento mula Luzon patungong Visayas at Mindanao.

Inilabas ng MARINA Region 5 ang special permit kasunod ng matinding pagbaha sa Catarman, Northern Samar at mga kalapit lugar na nagresulta sa matinding pinsala na nakaapekto sa ruta ng mga trak at bus na biyaheng Allen-Matnog. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author