dzme1530.ph

Pinakamalaking kita ng PPA mula 1974, naitala!

Dahil sa mga de-kalidad na programa at proyekto nakapagtala ang Philippine Ports Authority (PPA) ng P21.06-B na kita.

Lumago sa 30.19% ang kita ng kargamento at barko ng nasabing ahensiya mula nang itatag ito 49-taon na ang nakakaraan.

Para sa Oktubre 2023, ang aktwal na kita ng PPA ay 2.25B o 3.19% sa target na P2.18B at mas mataas kaysa sa kita noong nakaraang taon sa parehong buwan ng 71.55%. 

Ang Service and Business Income ay umabot sa 41.33% o P8.70-B ng kabuuang kita at ang Regulatory Income ay nasa 40.86% o P8.60-B.

Habang ang naitalang Interes at Gains na 17.91% o 3.75B. 

Ang Net Income ay umabot sa Php 9.76B na 15.41% o P1.30-B na mas mataas ito kumpara sa netong kita para sa parehong panahon noong 2022.

Ang kabuuang gastos ng PPA ay nagtala rin ng pagtaas ng 46.39% o Php 3.60B kumpara sa kabuuang gastos na natamo sa nasabing taon dahil sa mataas na paggamit ng badyet para sa pagpapatupad ng proyekto ng PPA.

Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago, ang tagumpay sa mataas na numerong nakamit ng ahensya ay patunay ng mahusay na pamamahala sa mga gastusin at epekto ng mas pinabuting paghahatid ng mga serbisyo sa port user at stakeholders, dulot ng pagluwag na rin ng pandemya at pagbangon ng ekonomiya.

Noong 2022, 69 na proyekto ang natapos ng PPA na kinabibilangan ng Tablas (Poctoy) Port Expansion Project sa Port of Tablas, Odiongan, Romblon; Balanacan Port Expansion project, Marinduque; Konstruksyon ng Back-Up Area at Port Operations Building ng Coron Port, Palawan, at iba pa.

Sa unang kalahati ng 2023, karagdagang kabuuang 30 seaport project pa ang natapos sa unang taon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

 

 

About The Author