Nanindigan si Sen. Ronald Bato dela Rosa na napapanahon nang isabatas ang proposed Organizational Reforms in the Philippine National Police.
Sa deliberasyon sa plenaryo, iginiit ni Dela Rosa ang approval ng Senate Bill No. 2249 na naglalayong amyendahan ang Republic Act No. 6975 at 8551 o ang DILG Act at PNP Reform and Reorganization Act.
Iginiit ni dela Rosa na sa pamamagitan ng pag-amyenda, matitiyak na makatutugon ang pulisya sa mga pangangailangan ng kasalukuyang panahon.
Layun anya ng panukala na pagtibayin ang strategic at operational capabilities ng PNP bukod pa sa pag- upgrade sa police force at magkaroon ng legal entity sa mga bagong tanggapan at units nito.
Partikular anyang kikilalanin ang mga national operational support units kabilang ang Criminal Investigation and Detection Group, Civil Security Group, PNP-Cyber Crime Group, Maritime Group, Highway Patrol Group, PNP Forensic Group, Anti-Kidnapping Group, Explosives and Ordnance Group, Canine Group at Women and Children Protection Group. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News