dzme1530.ph

P10.2-B na halaga ng iligal na droga, nakumpiska ng BOC noong 2022

Nanguna ang illegal drugs sa mga produktong nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) noong 2022, dahilan kaya hinigpitan pa ng ahensya ang kanilang border control at mekanismo laban sa iligal na kalakalan ngayong taon.

Ayon sa Department of Finance (DOF) na siyang nangangasiwa sa BOC, nasa P10.2 billion na halaga ng iligal na droga ang nakumpiska noong nakaraang taon.

Umabot naman sa P2.45 billion ang halaga ng mga nasamsam na pekeng produkto habang P1.9 billion ang smuggled agricultural products at P458 million naman ang sigarilyo.

Sa kabuuan ay nakakumpiska ang BOC ng P15.65 billion na halaga ng mga iligal na produkto simula Hulyo hanggang Disyembre ng 2022 sa pamamagitan ng kanilang pinaigting na Anti-Smuggling Operations. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author