dzme1530.ph

Pilipinas, uutang ng $500-M sa World Bank para sa disaster at health crisis response

Uutang ang Pilipinas sa World Bank ng $500-million upang gamitin sa pagtugon sa mga kalamidad at health crisis.

Ayon sa Dep’t of Finance, inaprubahan ng World Bank Board of Executive Directors ang Philippines Disaster Risk Management and Climate Development Policy Loan, na pangangasiwaan ng International Bank for Reconstruction and Development.

Ang $500-million loan ay agarang magagamit sa oras ng natural disasters at health crises, upang maibsan ang epekto nito sa ekonomiya.

Maa-activate rin ito kapag nag-deklara ang Pangulo ng State of Calamity.

Sinabi ni Finance Sec. Benjamin Diokno na sa pamamagitan nito ay mabilis na maihahatid ng gobyerno ang mahahalagang serbisyo tulad ng healthcare, shelter, at pagkain, sa panahon ng emergencies.

Maihahanda rin sa mga krisis sa hinaharap ang health at education sectors. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author