dzme1530.ph

PBBM, tiwalang makakamit na ang kapayapaan sa Indo-Pacific Region kasunod ng 6-day working visit sa America!

Kumpyansa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na makakamit na ang kapayapaan sa Indo-Pacific Region kasunod ng halos isang linggo niyang working visit sa America.

Sa arrival speech sa Villamor Air Base sa Pasay City, inihayag ng Pangulo na katuwang ang Estados Unidos na itong pinaka-matandang kaalyado ng Pilipinas, at kasama ang iba pang partners, makakamit ang kapayapaan, kaayusan, at kasaganahan sa rehiyon sa kabila ng mga nagbabago at lumalawak na hamon.

Ito umano ay kung patuloy na ire-respeto ng bawat bansa ang isa’t isa bilang sovereign equals, at kung ang kanilang mga aksyon ay nakabatay sa international law kabilang ang United Nations Convention on the Law of the Sea, at ang 2016 Arbitral Ruling.

Una nang isinulong ng Pangulo ang pagpapalakas ng pakikipagtulungan sa America at iba pang partners sa harap ng lumalalang tensyon sa West Philippine Sea. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author