dzme1530.ph

Dahil sa lindol sa Mindanao, panukalang pagtatayo ng Dep’t of Disaster Resilience, binuhay

Binuhay ni Sen. Christopher “Bong” Go ang panukalang pagtatayo ng Department of Disaster Resilience matapos ang malakas na lindol sa Genaral Santos City at iba pang lugar sa Mindanao.

Ayon kay Go, panahon nang magkaroon ng hiwalay na departamentong tututok sa mga kalamidad upang maging mabilis ang pagresponde at paghahatid ng mga pangangailangan.

Sa pamamagitan din anya ng itatayong DDR ay matitiyak ang agad na pagbabalik sa normal sa mga lugar na tinatamaan ng kalamidad tulad ng lindol, bagyo at pagputok ng bulkan.

Isang cabinet secretary level anya ang dapat na namamahala sa mga ganitong operasyon upang hindi nababalewala matapos ang unang pagresponde.

Iginiit ng senador na kailangan ng malawakang koordinasyon sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno kapag may mga kalamidad.

Inihalimbawa nito ang koordinasyon sa Department of Information and Communications Technology upang agad na maibalik ang mga linya ng komunikasyon at sa Department of Energy para naman sa suplay ng kuryente. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author