Hihilingin ni Sen. Ramon Bong Revilla Jr. sa liderato ng Senado na ipa-recall o ibalik sa deliberasyon ang panukalang budget ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ito ay makaraang madismaya ang mambabatas makaraang ibalita na nahuli ang kang convoy sa EDSA Carousel busway na itinanggi naman nito.
Nais ni Revilla na pagpaliwanagin ang MMDA sa kanilang operasyon partikular ang sinasabing inter-agency courtesy kung saan pinapayagang dumaan sa EDSA busway sa mga behikulo ng mga mambabatas.
Aminado ang senador na masakit sa kanya na bigla na lamang siyang masangkot sa ganitong balita na walang katotohanan.
Iginiit ni Revilla na madaling-araw na siya umalis sa Senado kanina at hanggang sa mga oras na sinasabing nahuli ang kanyang convoy ay nasa Cavite pa siya. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News