dzme1530.ph

Pilipinas, kabilang sa kumondena sa paglalagay ng Israel ng settlements sa mga teritoryo ng Palestine

Nagpasa ang United Nation General Assembly ng resolusyon para kondenahin ang paglalagay ng Israel ng settlement sa Palestinian territories, gaya ng East Jerusalem at Syrian Golan.

Kabilang ang Pilipinas sa 144 na bansa na pumabor sa naturang resolusyon, anim ang kumontra sa pangunguna ng Amerika habang 18 ang nag-abstain.

Samantala, sumampa na sa 11, 240 ang nasawi sa Gaza, kasunod ng pagpulbos ng Israeli forces sa refugee camps at mga ospital habang nasa 240 ang hawak na bihag ng Hamas.

Handa naman ang teroristang grupo na magpalaya ng 70 bihag kapalit ng limang araw na tigil-putukan upang makapasok ang mga humanitarian aid dahil said na ang mga supply sa Gaza. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author