Ilalabas na simula ngayong araw, Nob. 15, ang year-end bonus at cash gift ng mga empleyado ng pamahalaan.
Ayon sa Dep’t of Budget and Management, kabuuang P69.4-B ang alokasyon kabilang ang P45.3-B para sa year-end bonus ng civilian personnel sa national gov’t agencies, at P15.2-B sa military at uniformed personnel.
P8.9-B naman ang inilaan para sa cash gifts ng nasa 1.7 million civilan at military and uniformed personnel.
Inilarawan ito ni Budget Sec. Amenah Pangandaman bilang isang “well-deserved symbol of appreciation” sa mga trabahador ng gobyerno na gumugugol ng mas mahabang oras sa pagta-trabaho para sa serbisyo publiko.
Kasabay nito’y hinikayat ang gov’t employees na gamitin ng tama ang cash gifts at year end bonus, at unahin ang mga tunay na kailangan kaysa sa luho. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News