dzme1530.ph

200 couples nakiisa sa ‘Kasalan sa Kapitolyo’ sa Misamis Occidental

Sabay-sabay na nagpalitan ng matamis na “I Do” ang nasa 200 couples sa “Kasalan sa Kapitolyo” sa Misamis Occidental.

Ang mass wedding ay isa sa mga programa na nilinya para sa ika-94 anibersaryo ng probinsya.

Sinabi ni Gov. Henry Oaminal, na layon ng proyekto na mag-alok ng pagkakataon sa mga mag-asawang mula sa marginalized communities na magkaroon ng libre at memorableng kasal.

Present din sa seremonya si Senator Francis Tolentino na tumayong Godparent o Ninong ng mga bagong kasal.

Nakatanggap din ang mga ito ng P20,000 cash gift at wedding cake mula sa pamahalaang probinsya, kasama ang iba pang regalo mula sa tanggapan ng senador.

Ang mass wedding, o mas kilala bilang Kasalang Bayan, ay isa sa regular na proyekto ni Gov. Oaminal sa 9-taon panunungkulan nito bilang Second District Congressman ng probinsya.

About The Author