May kapangyarihan na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ibasura at ipabago ang isusumiteng listahan ng nominees para sa executive positions sa Maharlika Investment Corp..
Ito ay sa ilalim ng revised at finalized version ng Implementing Rules and Regulations ng Maharlika Investment Fund Act.
Sa Rule 4 Section 30 ng revised IRR, nakasaad na maaaring tanggapin o kaya naman ay tanggihan ng Pangulo ang listahan ng nominees na isusumite ng advisory board para sa regular at independent director positions, at president at chief executive officer.
Bukod dito, maaari ring atasan ng Pangulo ang advisory board na dagdagan ang mga pangalan ng nominees.
Sa kabila nito, tinitiyak ng Pangulo ang independence sa pagta-trabaho ng mga magiging miyembro ng Maharlika Investment Corp.. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News