Hinimok ni Sen. Jinggoy Estrada ang gobyerno na tugunan na ang ipinasang Senate Resolution 79 na nagrerekomenda nang ilang aksyon sa problema sa West Philippine Sea.
Kabilang sa rekomendasyon ang paghahain ng resolution sa United Nations General Assembly upang ipatigil ang lahat ng pangha-harass sa mga Pilipino sa West Philippine Sea na paglabag sa ating mga karapatan.
Sinabi ni Estrada na ang pinakahuling pambubully ng China sa West Philippine Sea ay mabigat nang dahilan upang umakto ang gobyerno sa paggiit ng sovereign rights ng bansa sa ating Exclusive Economic Zone.
Iginiit ng Senador na dapat nang patigilin ang China sa mga iligal nitong aktibidad.
Paulit-ulit na anya ang diplomatic modes ng bansa sa pagharap natin sa China kaya’t panahon nang iangat pa ang ating aksyon. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News