dzme1530.ph

Pagpapalawig ng E-VISA ng mga dayuhang nasa Pilipinas, pina-plantsa na ng pamahalaan

Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pina-plantsa na ng pamahalaan ang mga hakbang para ma-extend ang electronic visas ng mga dayuhang nasa Pilipinas.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa Courtesy visit ni Indian Ambassador Shambhu Kumaran sa Malacañan Palace noong nakaraang linggo, ayon sa Presidential Communications Office.

Bilang tugon sa hiling ni Kumaran para sa E-VISA Extension, sinabi ni Pangulong Marcos na ang probisyon sa pagpapalawig ng electronic visas ay hindi lamang para sa mga Indian National, kundi sa lahat ng foreigners na nananatili sa bansa.

Noong Enero ay ipinag-utos ng Punong Ehekutibo ang extension sa E-Visas ng Chinese, Indian, South Korean at Japanese nationals upang mahikayat ang mas maraming dayuhan na bumisita sa Pilipinas. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author