Lumagda rin ang Pilipinas at Japan sa mga kasunduan para sa pagpapalakas sa sektor ng pagmimina, at sa turismo.
Sa joint statement kasunod ng bilateral meeting nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Japan Prime Minister Fumio Kishida, inihayag ni Marcos na sinelyuhan ang Memorandum of Cooperation on Mining Sector sa pagitan ng Dep’t of Environment and Natural Resources, at Japan Ministry of Economy, Trade, and Industry.
Sa ilalim nito, ipagpapatuloy ang kooperasyon para sa development ng mining at mineral resources ng magkabilang bansa.
Samantala, nilagdaan din ang Memorandum of Cooperation sa pagitan ng Dep’t of Tourism at Japan Ministry of Land, Infrastructure, Transport, and Tourism.
Mababatid na ang Japan ang isa sa mga paboritong travel destinations ng mga turistang Pilipino, habang ang Japan din ang isa sa mga nangungunang pinagmumulan ng mga turista sa Pilipinas. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News