dzme1530.ph

Comelec, nilinaw na hindi magsasampa ng kaso sa mga guro na umatras sa tungkulin sa nagdaang BSKE 2023

Hindi magsasampa ng mga kaso ang Commission on Elections laban sa mga guro na umatras sa kanilang tungkulin sa mismong araw ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections noong Oktubre 30.

Ito ang nilinaw ni Comelec Chairman George Garcia, na pinahahalagahan nila ang pagsisikap ng mga guro, at itinuturing nila itong mga bayani.

Iginiit pa ng opisyal na wala siyang planong magsampa ng kasong kriminal sa nagback-out na poll workers dahil sila rin ang magsisilbi sa mga susunod na eleksyon.

Nais lamang aniya ni Garcia na malaman at maimbestigahan ang dahilan ng pag-atras ng mga guro sa tungkulin, at kung ang mga ito ay nakatanggap ng banta sa buhay.

Sinabi naman ni Garcia na nakadepende sa Dept. of Education kung maghahain ito ng mga kasong administratibo laban sa naturang mga guro. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author