dzme1530.ph

Japan, magkakaloob ng P235-M assistance para sa pagpapalakas ng maritime security ng Pilipinas!

Magkakaloob ang Japan ng P235-M o 600 million yen na halaga ng Official Security Assistance, para sa pagpapalakas ng maritime security ng Pilipinas.

Sa joint statement sa Malacañang matapos ang bilateral meeting nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Fumio Kishida, nagkaroon ng exchange of notes kaugnay ng OSA.

Ayon sa Pangulo, ito ay makatutulong sa Dep’t of National Defense para sa coastal radars ng militar upang mapaigting ang pagbabantay sa maritime domain.

Samantala, sinabi naman ni Kishida na ikinatutuwa nilang mabuo ang kasunduan sa pagkakaloob ng coastal radar sa Pilipinas.

Iginiit pa ng japanese leader na pinapalalim nila ang kooperasyon sa aerial security sa harap ng lumalala at lumalawak na international situation. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author