dzme1530.ph

House Speaker Romualdez, tiwala sa bagong DA Sec.

Tiwala si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na si Sec. Francisco Tiu Laurel ang tutupad sa mga programang inilatag ni Pang. Bongbong Marcos, Jr. sa sektor ng agrikultura.

Ayon kay Romualdez, swak si Laurel sa tungkulin dahil bilang negosyante at nasa fisheries sector, naunawaan nito ang masalimuot na takbo ng merkado, supply chain, market demand at global trend habang pinananatili ang kapakanan ng ordinaryong Pilipino.

Bago ang appointment sa DA, si Laurel ay presidente ng Malabon-Navotas base Frabelle Fishing Corporation, gayun din ang Frabelle Shipyard Corp., at Westpac Meat Processing Corp.

Ang karanasan nito ayon pa kay Romualdez ay magsisilbing instrumento upang paglapitin ang gobyerno at pribadong sektor, at lumikha ng “synergies” na ang makikinabang ay sektor ng pagsasaka.

Dagdag na nito, ang kolaborasyon ng pamahalaan at private sector ay hindi lang sa pagne-negosyo, kundi tiyakin na ang bunga ng paglago ng ekonomiya ay maipapakalat hanggang sa grassrot level.  —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News

About The Author