Nakatakdang talakayin nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Fumio Kishida ang isyu sa West Philippine Sea.
Ito ay sa nakatakdang pagdating sa bansa bukas ng Japanese leader, para sa bilateral meeting sa Pangulo.
Ayon sa Malakanyang, pag-uusapan nina Marcos at Kishida ang kooperasyon sa pulitika at seguridad.
Magpapalitan din sila ng pananaw kaugnay ng malalaking regional, international, at united nations issues na nakaa-apekto sa mundo.
Mababatid na tulad ng Pilipinas, ang Japan ay mayroon ding sigalot sa teritoryo sa China. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News