Itinuturing ng halos kalahati ng mga Pamilyang Pilipino na sila ay mahirap, ayon sa survey ng Social Weather Stations.
Batay sa pag-aaral na isinagawa noong September 28 hanggang October 1, lumabas na 48% ang nagsabi na sila ay kabilang sa poor families, 25% naman ang hindi mahirap, habang 27% ang undecided.
Ang naturang bilang ay mas mataas ng 3% mula sa 45% na naitala noong June 2023.
Kumakatawan din ito sa 13.2 million self-rated poor families noong September mula sa 12.5 million noong June.
Samantala, natuklasan sa survey na 6.6% o 1.8 million ng mga Pamilyang Pilipino ang “newly poor,” na ibig sabihin ay hindi sila mahirap sa nakalipas na isa hanggang apat na taon. —sa panulat ni Airiam Sancho