Lumawak ang budget deficit ng bansa sa P378.4-B noong Disyembre ng nakaraang taon.
Ayon sa Bureu of Treasury, mas mataas ito ng 11.94% kumpara sa shortfall na naitala sa kaparehong buwan noong 2021.
Bunsod nito, umakyat sa P1.61-T ang total budget deficit noong 2022.
Binigyang diin naman ng BTR na mas mababa ang shortfall noong nakaraang taon kumpara sa naitala na P1.67-T noong 2021, at pasok pa rin sa programmed deficit na P1.65-T.
Inihayag ng Treasury na bagaman nakakolekta ang pamahalaan ng P3.55-T na revenue noong nakaraang taon, ay umabot naman sa P5.16-T ang government spending.