dzme1530.ph

Pilipinas, dapat hamunin ang China na magsumite ng territorial dispute hinggil sa Scarborough Shoal sa Arbitration

Iginiit ni Retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na dapat hamunin ng pamahalaan ng Pilipinas ang China na isumite ang territorial dispute hinggil sa Scarborough Shoal sa arbitration.

Ginawa ni Carpio ang pahayag matapos sabihin ng Chinese Military na isang Philippine Military Ship ang iligal na pumasok sa katubigan malapit sa Scarborough Shoal, na matatagpuan sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Tinawag din ng Retired SC Justice ang claim ng China na “dubious” o kahina-hinala, kaya mas maganda na idulog ito sa Arbitral Tribunal na siyang magpapasya kung sino talaga ang mayroong sovereignty sa Scarborough Shoal na tinatawag din sa Pilipinas na Bajo de Masinloc.

Idinagdag ni Carpio na kaya tumatanggi ang China na dalhin ang usapin sa Korte ay dahil batid ng China na mahina ang kanilang claim. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author