dzme1530.ph

Bidding para sa bagong election machines at system para sa Halalan 2025, binuksan na ng Comelec

Opisyal nang binuksan ng Comelec ang bidding para sa P18.827-billion lease contract para sa bagong Automated Election System na gagamitin sa 2025 Midterm polls, ayon kay Comelec Chairman George Garcia.

Sinabi ng Poll Chief na ang procurement para sa mga makinang gagamitin sa Halalan sa 2025 ay naka-post na sa Philippine Government Electronic Procurement System, kaya naman hinihikayat ang lahat ng suppliers sa buong bansa na lumahok sa aktibidad.

Naka-post din sa Comelec website ang kopya ng invitation to bid para sa lease ng Full Automation System with Transparency Audit/Count, para sa 2025 National at Local Elections.

Inihayag ni Garcia na kabilang sa procurement ang hardware, software, transmission at internet voting para sa Overseas Filipino Workers. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author