dzme1530.ph

Bagong henerasyon ng mga SK, dapat suportahan sa halip na i-abolish

Hinimok ni Senador Allan Peter Cayetano ang publiko na suportahan ang bagong henerasyon ng mga lider sa Sangguniang Kabataan (SK) sa halip na hilingin na tanggalin ang Youth Leadership Council sa lokal na pamahalaan.

Sa halip aniyang isulong ang pag-abolish sa Sangguniang Kabataan dahil nagiging breeding ground ng katiwalian, dapat hasain at suportahan ang mga youth leaders para maging maayos na mga pinuno.

Sinabi ni Cayetano na dapat ding hikayatin at tulungan ng mga dating pinuno ng SK ang mga susunod na lider upang hindi sila maging tiwali.

Ayon kay Cayetano, hindi trabaho ng lahat ang paggabay sa mga SK leader, ngunit ito ay maituturing na concern ng bawat isa.

Binigyang-diin ng Senador na kung anumang training ang itatanim natin ngayon sa kabataan ay siya ring aanihin ng bansa sa mga susunod na panahon.

—Ulat ni Dang Garcia

About The Author