Naghahanda na ang Dep’t of Social Welfare and Development sa posibleng paglilikas sa mga residenteng maaapektuhan ng pag-aalboroto ng bulkang Bulusan sa Sorsogon.
Ininspeksyon na ng DSWD – Bicol Region Field Office ang evacuation center sa Bayan ng Juban, upang matiyak na handa itong kumalinga sa mga ililikas na pamilya.
Nakikipag-ugnayan na rin ito sa mga lokal na pamahalaan ng Sorsogon, Irosin, Bulusan, at iba pang munisipalidad sakaling magkaroon ng pre-emptive evacuation.
Matatandaang itinaas na ng PHIVOLCS ang Alert level 1 sa bulkang Bulusan matapos ma-obserbahan ang “period of low-level unrest.” —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News