Nakamit ng Pilipinas ang kauna-unahang gintong medalya sa 2023 World Combat Games sa Saudi Arabia makaraang mamayagpag si Kaila Napolis ng Jiu-jitsu sa women’s 52-kilogram ne-waza event.
Tinalo ni Napolis si Anael Pannetier ng France sa finals sa score na 2-0, upang maiuwi ang titulo.
Bago ito ay nagwagi ang Pinay athlete sa quarterfinals laban kay Adriana Cruz ng Columbia sa score na 6-0, at winning by submission laban kay Mongoljin Ganbaatar ng Mongolia sa Semifinals.
Sa kasalukuyan ay mayroon ng pitong medalya ang Pilipinas mula sa World Combat Games, na kinabibilangan ng isang ginto, dalawang silvers at apat na bronze. —sa panulat ni Lea Soriano