dzme1530.ph

3 opisyal ng BuCor na kinasuhan ng direct bribery, sumuko

Inanunsyo ng Bureau of Corrections (BuCor) na tatlo sa kanilang mga opisyal na inisyuhan ng warrants of arrest sa kasong direct bribery ang sumuko sa mga otoridad.

Sa statement, sinabi ng BuCor na sumuko sina Armory Chief Alex Hizola, at Corrections Officers Arcel Acejo Janero at Henry Escrupolo upang maglagak ng piyansa na P60,000 kapalit ng pansamantalang kalayaan.

Ang tatlo ay inisyuhan ng warrants of arrest ni Muntinlupa Regional Trial Court Branch 204 Judge Abraham Joseph Alcantara.

Ayon sa BuCor, kinasuhan ang mga nabanggit na opisyal ng direct bribery makaraang maaresto noong Setyembre matapos mag-demand ng pera kapalit ng pag-release ng mga baril sa isang corrections officer.

Nahuli sa entrapment operation si Janero na tumanggap ng P6,500 kapalit ng pag-isyu ng maiksing baril, at sa interogasyon ay sinabi niyang itu-turnover niya ang pera kay Escrupulo.

Nadiskubre rin ng mga otoridad ang text messages sa pagitan nina Escrupolo at Hizola tungkol sa paglalabas ng mga baril. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author