Hinikayat ng Dep’t of National Defense ang mga Pilipino na tumindig at magkaisa sa pagtatanggol ng interes sa West Philippine Sea.
Ito ay kasunod ng panibagong panghaharas ng Chinese Coast Guard at Militia vessels na nag-resulta sa collision incident sa gitna ng resupply mission ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.
Nanawagan si Defense Sec. Gilberto “Gibo” Teodoro Jr. sa publiko na tumindig sa likod ng pamahalaan sa pagtupad sa mandato sa pangangalaga ng national interest sa karagatan.
Umaasa rin si Teodoro na ang pagtatanim ng fake news ng China ay hindi magtutulak sa pagkaka-watak watak ng Pilipinas dahil sa oras na ito ay kailangan ng pagkakaisa.
Kasabay nito’y hinimok ng DND Chief ang mga Pilipino na gumising mula sa mga panlilinlang ng China. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News