dzme1530.ph

Pilipinas, naghain na ng panibagong diplomatic protest laban sa China kasunod ng collision incident sa WPS; Chinese envoy, ipinatawag!

Naghain na ang Pilipinas ng panibagong diplomatic protest laban sa China, kasunod ng collision incident sa West Philippine Sea.

Ayon sa Dep’t of Foreign Affairs, ipinatawag na si Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian ngayong Lunes ng umaga, ngunit ito ay naka-out of town kaya’t nagsilbi munang kanyang kinatawan ang Deputy Chief of Mission ng Chinese Embassy.

Iginiit ni DFA Spokesperson Ma. Teresita Daza na ang Pilipinas ang may karapatang magsagawa ng mga aktibidad sa lugar alinsunod sa UNCLOS, at hindi nila tinatanggap ang anumang uri ng interference o pagharang.

Tiniyak ng DFA na patuloy nilang gagamitin ang diplomatic processes para sa pag-protekta at pagtataguyod ng legal maritime entitlement ng bansa. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author