dzme1530.ph

Paggamit ng confidential fund ng ilang civilian agencies, tinawag na katamaran lang

Naniniwala si Senate Minority Leader Koko Pimentel na iginigiit ng ibang ahensya ang confidential fund dahil nais lamang nilang i-shortcut ang proseso sa kanilang procurement at iba pang transaksyon sa kanilang departamento.

Ito ang pangunahing dahilan kaya tutol na tutol si Pimentel sa pagbibigay ng confidential fund sa mga civilian agency.

Inihalimbawa ni Pimentel ang pagbibigay ng confidential fund sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa paglaban sa mga cybercriminals.

Ipinaliwanag ng senador na maaari namang gawing line item ang bibilhing kagamitan ng DICT na hindi namang kinakailangang idetalye ang uri at brand ng bibilhing equipment.

Nanindigan si Pimentel na ang karapat-dapat lamang bigyan ng confidential and intelligence fund ay ang mga ahensya na may kinalaman sa criminal law enforcement. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author